Sino Nga Ba
Ang Mga Katutubong Agta?
Ayon sa kasaysayan ang mga Katutubo ay nakakabilang sa tinatawag na Negrito. Ang Negrito ay galing sa salitang kastila na ang ibig sabihin ay maitim na tao. Maaari rin namang tawaging maliit na Negro. Ang mga Negrito ay matatagpuan sa ibat-ibang panig ng kapuluan, mula sa Hilagang Silangan ng Luzon hanggang sa Silangang Mindanao.
Sa Luzon sila ay matatagpuan sa magkabilang libis ng Sierra Madre mula sa Sta Ana, Cagayan hanggang Gitnang Quezon. Sila ay naglipana sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya, Bulakan, Rizal, Laguna at sa dako pa roon ng Camarines Norte at Sur. Sila ay matatagpuan din sa kapuluan ng Polilio, sa dakong Silangan ng lalawigan ng Quezon. Kilala sila sa mga pook na ito sa tawag na Agta, Dumagat at Katutubo.
May mga Katutubo ring matatagpuan sa Tarlac, Zambales at Bataan kung saan sila ay mas kilala sa tawag na Ayta. Sa Kabisayaan naman sila ay kilala sa tawag na Ati at sa Palawan naman ay naroon ang tinatawag na Mamanua.
Hindi matiyak kung sila ay iisa ang lahi. Ganon paman, batay sa katangiang panlabas sila ay may pagkakahawig. Sila ay may matipunong pangangatawan, kulot ang buhok, may makapal na labi, maitim at pango ang ilong.
Ang mga Agta ay naglipana sa tabing dagat, sa mga tabing ilog at sa ilaya sa dako pa roon ng bundok Sierra Madre. Ang mga Agtang naninirahan sa tabing dagat ay yong tinatawag na Dumagat. Ang ibig sabihin ay Agtang taga dagat na malimit mangisda. Sila rin ay may kakaibang uri ng Pamumuhay, Kaugalian, Pananamit, Tirahan at Pagpapahalaga sa buhay.
Ang Kanilang Payak
At Simpleng Pamumuhay
Ang Tao ay may mga pangangailangan upang mabuhay ng matiwasay. Ang Pagkain, Pananamit, Tirahan at Pangkabuhayan ang pangunahing pangangailangan ng tao. Ang Pagkain para sa kinakaharap na trabaho para sa buong maghapon. Ang Tahanan para sa maayos na kanlungan at proteksyon sa mababangis na hayop. Ang tahanan din ang nagsisilbing panangga sa init at ulan. Ang pananamit o kasuotan para panlaban sa init at lamig. At ang kabuhayan naman para masuportahan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng tao. Ang mga Katutubong Agta sa bahagi ng Quezon at Aurora ay may angking taglay na uri ng pamumuhay na labis nilang ipinagmamalaki dahil sa kasimplehan nito. Ayon kay tata Quezon, ang kasimplehan ng buhay ay hindi mapaghangad ng labis at ito ang katangian ng mga Katutubo.
ANG PAGKAIN
Ang pangunahing pagkain ng mga Katutubong Agta sa bahagi ng Quezon at Aurora ay kalimitang nakukuha sa kabundukan, karagatan at sa pakatan. Ang agakat, paynot at abukot ay ilan lamang sa halamang ugat na makukuha ay sa kabundukan. Ang mga ito ang nagsisilbing panawid gutom sa buong maghapon. Sa Aurora naman ang kanilang pagkain ay tulad ng buklog, ilos, talwat, gililos at palisyukan, ang mga bungang kahoy na ito at lamang ugat ay kinukuha ng mga kababaihan sa tabing ilog at sa kabundukan. Ang buklog ay parang ubi na makukuha sa kabundukan samantalang ang ilos naman ay sa tabing ilog. Ang Pugahan ay isa rin sa pagkain ng mga katutubo na inihahalo sa karne ng baboy damo, kung minsan ang katas ng Pugahan ay ginagawa rin nilang yuro. Bukod sa mga halamang ugat at bunga ng punong kahoy, sila ay naghahanap din sa kabundukan ng baboy damo, usa, bayawak, bulog at iba pa na maaari nilang kainin.
ANG PANANAMIT
Noon ay bahagya lamang ang damit ng mga Katutubong Agta sa Quezon at Aurora. Isang makitid na tela na nakatali sa baywang ang pang-ibabang suot ng mga kalalakihan, bebet ang tawag nila dito. Sa pamamagitan ng balat ng kahoy ay nakagagawa sila ng kasuotan upang maging panakip sa kanilang masilan na bahagi ng katawan.
Ang mga Kababaihan naman ay nagsusuot ng taloktok na yari sa balat ng puno ng tangisang bayawak. Upang makagawa ng ganitong kasuotan ay pinipitpit nila at ibinibilad ang balat ng tangisang bayawak. Matapos maibilad ay kanilang nilalagyan ng mama upang magkaroon ito ng kulay.
Bukod dito, ang mga kalalakihan at kababaihan ay mahilig maglagay ng mga palamuti sa katawan. Ang mga kababaihan ay nagsusuot ng breslit na kung tawagin nila ay beklow. Ito ay yari sa balat ng kahoy at dahon ng tala, salilid, suod, at malasabon. Minsan ay naglalagay din ang mga kababaihan ng Suklong. Ito ay yari sa dahon ng kalagimay na kurting laso at may kasamang kinuyuskos na malasabon.
Gumagamit sila ng mga palamuti sa katawan upang makita ang kanilang kakisigan at kagandahan. Ang mga kababaihan ay naglalagay ng pabago na galing sa mga dahon na may mabangong amoy, Surob ang tawag nila dito. Ang mga Kalalakihan naman ay naglalagay ng biskal upang masabing sila ay makisig. Ang biskal ay yari sa uway na nilagyan ng desinyo sa pamamagitan ng paglalala.
ANG KABUHAYAN
Mayaman at sagana ang kalikasan noon kaya ang mga katutubo ay nakadepende dito. Ang kabundukan na sagana sa mga halamang ugat at bunga ng punong kahoy ay nakatutulong ng malaki sa pamumuhay ng mga katutubo. Ang pangangaso sa gubat at paglalangdes ang pangunahin nilang hanap buhay noon. Kalimitan din silang nangingisda sa ilog at sa karagatan sa panahon ng tag-init. Ang pangunguha ng mga halamang ugat at bunga ng punong kahoy ang madalas na pagkaabalahan ng mga kababaihan. Katulong din ng kanikanilang mga magulang ang kanilang anak sa paghahanap ng ikabubuhay. Ang mga kabataang lalaki ay sumasama sa kanilang ama sa pangangaso o sa paghahanap ng pisukan. Samantalang ang mga batang babae naman ay kasakasama ng kanilang ina sa pangunguha ng mga bungang kahoy at halamang ugat.
PAGYUYURO
Ang Yuro ay isa rin sa hanap buhay ng mga katutubong Agta sa Quezon at Aurora. Ito ay nanggagaling sa katas ng pugahan na pinapatuyo sa init ng araw; kahalintulad ito ng harina kaputi. Sa pagyuyuro ay kinakailangan ang malaking puno ng pugahan.
Ito ay pinuputol mula sa malambot na bahagi ng puno pagkatapos ay pinipitpit upang lumabas ang katas. Matapos mapalabas ang katas ay ibinibilad ito sa init ng araw upang matuyo. Ipinagbibili nila ito sa Infanta o di kaya ay ipinapalit ng bigas, asin, at iba pang pangangailangan nila sa kanilang tahanan.
Nakagisnan na ni nana Eladia ang ganitong uri ng pamumuhay na kung minsan ay binibili ang kanilang mga produkto sa mas mababang halaga. “Wala pa kaming kamuwangan noon kaya pumapayag na kami kung ano ang gusto nilang halaga.” Sapat na sa mga Katutubong Agta ang ganitong uri ng pamumuhay, simple at may paggalang sa kalikasan na kanilang pinagkukunan ng ikabubuhay sa araw-araw.
PAMUMUHAG
Isa rin sa kanilang ikinabubuhay ay ang pangingidnap ng pisukan sa kagubatan. Ang tinatawag nilang paglalangdes o mas kilala sa tawag na dumagat na “Paglalangdes Kitam” ay ginagawa kapag mainit at maaliwalas ang panahon. Sa paghahanap ng pulot ay kinakailangang tingnan ang lipad ng mga pisukan upang masundan ang kinalalagyan ng kanilang pinagbabahayan.
Iba’t-iba ang pamamaraan ng kanilang paglalangdes o paghahanap ng pulot pukyutan. Kadalasan ang ibang katutubo ay tumitingin lamang sa mga tae ng pisukan na makikita sa mga inalad sa kalam ng gubat at sa mga basudan sa tabing ilog.
Sa pamamagitan nito ay mahahanap nila ang kinalalagyan ng pulot. Kapag nakita na nila ang kinalalagyan ng pisukan ay kanila na itong pupuhagin. Sinisindihan nila ang dahon ng bunga at itinatapat sa bahay ng pisukan. Ang usok ng bunga ang nagsisilbing panaboy nila sa pisukan upang iwan nito ang pulot.
PANGANGASO
Tuwing umaga ang mga matatandang katutubo at mga kalalakihan ay naguusap-usap kung saaan sila maaring mangaso. Mula sa pagmamama ay dumadaloy ang kanilang pagpaplano sa pagpasok ng kagubatan. Sa pangangaso ay kalimitang nakakahuli sila ng baboy damo, usa, bulog at bayawak na kanila din namang ipinapamahagi sa kapwa nila katutubo.
Ang mga taga Aurora ay sanay sa larangan ng paglalabog ng baboy damo sapagkat naiiba ang kanilang pamamaraan ng pangangaso. Upang mapabilis ang pagtataboy ay sinusunog nila ang pinagtataguan ng baboy damo na kalimitang nagkukubli ay sa mga tuyong dahon ng damong parang. Habang sinusunog ang bahaging pinagkukublihan ng baboy damo ay may roon namang nag-aabang sa itaas upang sila ang tumugis sa baboy. Gamit ang pana, ngayod, ilad ng kalaw o tariktik, dita, bagin at kahoy sa paglalabog ng baboy damo. Sa pagbabahagi ni Mylene Misan ng Casiguran Aurora sa ginanap na Palihan sa Sentrong Paaralan ng mga Agta (S.P.A) noong Oktobre 13-16, 2003. Ang nahuling baboy ay obligadong ipamahagi sa ibang kasapi ng komunidad na Katutubo. Bahagi ito ng kanilang kaugalian na ang lahat ay bahaginan ng nakuhang pagkain.
PANGINGISDA
Sa Panahon ng tag-init ang mga Katutubo ay naglalagi sa tabig ilog o di kaya ay sa tabing dagat upang manghuli ng isda. Ang antipara at bislay ang kalimitang ginagamit nila sa panghuhuli ng isda. Dogkal ang tawag ng mga katutubo sa kagamitang ito. Bukod sa pag-aantipara kalimitang ginagawa rin nila ang pagpapaiga o ang tinatawag na Pebes. Naniniwala sila na, sa ganitong paraan ng panghuhuli ng isda ay mapipili nila ang mga dapat hulihin upang hindi mapinsala ang mga maliliit na isda. Sa karanasan ni tata Polito na taga Masanga ay ang pagbabalatan at pagpapawikan ang nakagisnan niyang hanap buhay ng kanyang mga magulang.
“Non ikami non sibog pa on mga ina pati on mga ama ko ugeli ni ikami ey nag sanay de pala di kainginey peyedi a hanap buhey me pen mesin ako ey naloy dio di Infanta ei.. ey agta ok pala di pulo ey epiyede me domem ey on mga lalaki ey dep’peneg saled edi ta ikami pen ey dep panaparang de pakaten ta be hangang ta be hanga ei.. namit mi a taparang ey peagde mne non on de kabengin kaduging non iken a sinaled non mga lalaki mei..ta ei.. iken pen mesin makmok ey pipalit mila ni isen a salop a parey ey de payeg kamidi ta ang kami ti kakmuken a hanap buhey te an enon dehil de kahinain pa non nanon ni isip ni katutubo pero de nano sigudo ey andi nalolong ni kabengin.” Ito ang naging karanasan ni nana Eladia na masasabi niyang sa kalikasan lamang sila umaasa dahil naniniwala sila na ito ay kaloob ni Makidepet.
ANG PAMAMAHALA AT PAMUMUNO
Ang mga Katutubong naninirahan sa Gen. Nakar at Aurora ay may roong pamayanang kinabibilangan. Tinatawag nilang isang komunidad ang mga katutubong nagkakatipon at naninirahan sa iisang lugar. Sa kanilang komunidad ang pinakamatanda ang siyang namumuno at tagapagbatas o taga pagparusa sa lahat ng nakasala. Siya ay iginagalang ng lahat at pinagkakatiwalaan na mamuno sa kanila. Isang dahilan kung bakit ang pinaka matanda ang pinagkatiwalaang mamuno ay sa paniniwalang siya lamang ang may malawak na karanasan at marami nang magagandang bagay na nagawa. Bukod dito ay siya rin ang may alam ng lahat ng lugar sa mga bundok at baybay dagat.
Kapag ang isang Katutubo ay lilipat ng tahanan ay kinakailangan muna nitong isangguni sa pinakamatanda o sa namumuno sa kanilang komunidad. Sa paghahanap ng pagkain ay ang pinakamatanda rin ang hinihinggan ng pagpapasya. Mula sa pagmamama ay dadaloy ang usapan at pagpaplano sa paghahanap ng pagkain sa gubat o sa karagatan. Matapos makapanguha ng pagkain ay tinitipon ito ng namumuno at hinahati sa nasasakupan ng kanilang komunidad.
Sa mga nagkasala sila ay pinarurusahan sa pamamagitan ng pagpalo at pagbilad sa araw. Ang pagpalo ay ipinapataw sa mga magagaang pagkakasala tulad ng kawalan ng galang at pagtatanan ng magkasintahan. Ang kaparusahan naman sa mga taong nakapatay ay pinapalo at ibinibilad sa araw. Wala noong batas na nasusulat sapagkat ang salita ng pinakamatanda ang kanilang itinuturing na batas. Isang rin sa mahigpit na ipinagbabawal ng komunidad ay ang pakikiapid dahil naniniwala sila na ang pakikiapid ay isang malaking kasalanan. At kung ang isang namumuno ang nagkasala ay bukal sa loob nito na tanggapin ang kaparusahan ngunit kadalasan ay hindi siya pinapatawan ng parusa dahil mataas ang pagtingin ng nasasakupan sa kanya.
Walang itinakdang araw kung kailan matatapos ang pamumuno ng isang matandang katutubo maliban lamang kung siya ay mamatay. Sa paghirang ng bagong mamumuno ay nagkakaroon ng pagtuturungko upang pag-usapan kung sino ang pinakamatanda sa edad at sa dugo. Ang pinakamatanda sa dugo at sa edad ang siyang mahihirang na bagong pinuno ng komunidad.
LENGGUWAHE AT WIKA
Ang mga Katutubong Agta sa Quezon at Aurora ay may magkaibang wika ngunit kadalasan ay magkatulad sila ng mga simbolo na ginagamit upang ipahayag ang kanilang nararamdaman. Kalimitan nilang ginagamit bilang pananda ay dahon, balat ng kahoy, bagin at mama. Kinakailangan na pag-aralan munang mabuti ang mga pangalan ng mga ito upang mabasa ang mensahe na nais ipaabot ng isang katutubo.
Sa pagliligawan ay mas madalas itong gamitin dahil hindi hayagan ang kanilang paraan ng panliligaw. Minsan ang mama ay ginagamit din nilang simbolo. Kapag ang isang nag-away ay nagpamamaan ibig sabihin ay magkabati na sila.
Ang lengguwahe ay ginagamit din sa paglalagay ng mga panada sa kanilang mga hangganan o nasasakupan. Malalaman din ng isang katutubo na may dumaan sa lugar na iyon sa pamamagitan ng paglalagay ng pananda sa mga puno ng kahoy na madaraanan. Sa pamamagitan ng mga simbolo ay nagkakaunawaan sila at naiparararting ang mensahe ng bawat isa.
MGA NATATANGING
KAUGALIAN AT KULTURA
Ang mga katutubong Agta sa Quezon at Aurora ay may angking kalinangan at kulturang tinataglay. Sila ay may angking ugali, paniniwala, tradisyon at gawain. Ang mga ito ay naging batayan ng kanilang kabuhayang panlipunan. Ang kalinangang ito rin ang humubog sa kanilang pananampalataya, mga kaugalian sa panliligaw, kasalan, pagluluksa at paglilibing. Hinuhubog din nila ang kalinangan sa sining at agham na hangang sa ngayon ay patuloy nilang nililinang upang masabayan ang lumalalang globalisasyon na may kaangkupan sa kanilang katutubong kaugalian.
PAGGALANG
Litag parin sa mga katutubong Agta ang paggalang nila sa kanilang kapuwa at sa kalikasan. Dulot ng kanilang paniniwala at pananampalataya na ang lahat ay nilikha ni Makidepet kung kaya’t dapat itong igalang. Ang paglabag sa kaugaliang paggalang ay may katumbas na kaparusahan. Kapag nagkasala ang isang kabataan ay pinapalo ng yantok bilang kaparusahan. “Nadiyan si nanay at matatanong at ako’y hindi nakikimama sa kanya.” Isang patotoo ni Marven Astoveza sa ginanap na Palihan. Ito ang pamamaraan niya ng paggalang sa mga matatanda. “Hindi rin ako nadaan sa uluhan ng matanda kapag nakahiga,”Pagpapatuloy pa ni Marven. Ang pagsabat sa usapan ng mga matatanda ay isang paglabag sa kaugalian ng paggalang.
“Di kamige paka tiko nisad once di magkaintindihan mangatod to nakialam de to one hindi na magalitan pinaglubo see di na magkasala ay mangatod maki balawit ni abusog o kaya ay pana.”
{Kapag may isang nagkasala ay magbibigay ka ng balawit bilang kaparusahan at tanda ng paghingi ng kapatawaran. Ang balawit ay pana na may sanga o may sima. Ang tawag namin doon ay mangatod o magbigay.}
Ang pagpapataw ng kaparusahan sa isang nagkasala ay paraan upang mahubog ang mga kabataan sa tamang pag-uugali. Sa pagbabahagi ni Mylene Misan ng Casiguran Aurora, “Ang kaparusahan sa nagtanan ay pinapalo ng bisig o ng uway. Bilang tanda ng pagmamahal ng lalaki sa babae, ang lalaki ang umaako ng palo.”
Sa mga katutubong nagkakasalubong sa daan na hindi naman magkakilala ay nagpapasintabi ang isa sa kanila. Umuupo sa daan ang isa sa kanila bilang tanda ng paggalang kasunod ang pagbibigay ng mama. Habang nagmamama ay nagkakaroon ng pag-uusap. “Saan ka galing? Halika at kata’y magmama muna dito sa tabi,” Ito ang nakaugalian ni Tata Erning kapag siya ay may nakakasalubong sa paglalakad. “Habang kami ay nagmamama ay tinuturungko ko siya at baka kami ay magkasamahan pa.” Ang pagtuturungko ay pag-sugsog sa pinagmulang lahi ng bawat isa upang malaman kong sila ay magpinsan pa. Ito ay kinaugalian na ng mga Katutubo kong sino ang matanda sa dugo ay siya ang iginagalang.
Ang mga Katutubong Agta ay mataas din ang paggalang sa kalikasan sapagkat naniniwala sila na ang kalikasan ay kaloob sa kanila ni Makidepet. Bago sila pumutol ng kahoy sa kabundukan ay nagpapaalam muna sila sa nangangalaga nito.

KAUGALIAN SA PAGKAKASAL
May kaugalian sa kasal ang mga Katutubong Agta sa Quezon at Aurora. Sa araw ng kasal nagtatagpo ang magiging mag-asawa at ang kanilang mga kaanak. Ang Pinuno ng tribu ang naghahanda ng seremonya ng kasal. Magkatabing uupo ang lalaki at babae na ikakasal sa harap ng kanilang mga magulang at sa magkakasal sa kanila. Ngunit bago ganapin ang seremonya ng kasal ay nag-iiskrema muna ang tatay ng babae at tatay ng lalaki. Kailangan na makuha ng tatay ng lalaki ang hawak ng nanay ng babae. Kapag naagaw na ang bandila ay saka pa lamang gaganapin ang seremonya ng kasal. Walang takdang oras kung kailan maagaw ang bandila.
Bahag at tapis na yari sa balat ng kahoy ang kasuutang ginagamit ng mga Katutubo sa araw ng kasal. Mga pagkaing galing sa gubat ang kanilang handa tulad ng abukot, paynot, agakat, pugahan at baboy ramo o kaya ay usa.
Ang mga nabalo ay pwede pang mag-asawa, subalit ito ay batay sa kanyang ipinangako noong mamatay ang kanyang asawa. Kalimitang isang taon ang pinalilipas bago mag-asawang muli ang isang tao na nabalo.
Pinarurusahan ng Komunidad ang taong nakikiapid, sapagkat naniniwala sila na ito ay isang malaking kasalanan. Sa panahon din ng paghihiwalay ng mag-asawa, ang komunidad ay sangkot dito. Ipinatatawag ng pinuno ang mag-asawa at inaalam ang tunay na dahilan.